Umuulan nang kita’y unang makilala, sa eskwelahan yon tandang-tanda ko pa.

Umuulan din nang tayo’y naging matalik na magkaibigan, sa problema ika’y nagsilbing hingahan.

Umuulan din nang araw na natutuhan kitang mahalin, ngunit damdami’y inilihim na lang din.

Umuulan din nang kita’y makita kasama mo’y iba, nasasaktan man matamis na ngiti siya ko pa ring pinakita.

Umuulan din noon nang aking malamang “kayo na pala” sobrang sakit ang aking nadama, ngunit ano ang aking magagawa?.

Ulan ang tanging naging piping saksi sa pag-ibig kong sawi, kaya naman sa ulan aking hiling, damdamin ko’y pigilin kung ang pag-ibig ay hindi para sa akin.

/iamestee©

Advertisements