Nakakahugot ka hindi lang dahil may pinagdaraanan ka kundi dahil may pinagdaanan ka na at sa bawat bagay na ginagawa mo ay pilit na umuukilkil sa utak mo kung gaano kalala yung sakit diyan sa puso mo. Naramdaman mo na yung sakit kung paano umasa sa wala, kung paano mahalin yung taong may mahal ng iba at higit sa lahat kung paano masaktan ng paulit-ulit ng taong mahal mo. Minsan pa nga naitanong mo sa sarili mo kung paano ba mahulog ng hindi nasasaktan?

/iamestee©

Advertisements