Para sa akin totoo nga yatang may schedule ang pagkakaroon ng lovelife ng isang tao. bakit? kasi kapag parating na siya sa buhay mo – ang imposibleng bagay ay nagiging posible. Yun bang nagkakaroon ng dahilan bigla at take note, sakto palagi sa timing yan. Kaya ang masasabi ko lang, hindi dapat malungkot ang mga single (pati na din yung kaka-break lang) kasi may tamang panahon at pagkakataon ang lahat ng bagay, malay n’yo kaya pala nanatili kang single sa mahabang panahon kasi siya pala ang hinihintay mo or yung time na nag-break kayo (minsan hindi mo pa alam ang reason kung bakit diba?) kasi kung kayo pa, pano papasok sa buhay mo yung tamang tao na para talaga sayo kung “in-a-relationship” ka pa diba? Lagi n’yo nalang isipin, may nakalaan para sa inyo at yung taong yon, darating sa buhay mo sa hindi mo inaasahang pagkakataon. Si God kasi ang nag-i-schedule ng lahat kaya siya lang ang nakakaalam kung kelan ang schedule ng sayo.

/iamestee©

Advertisements